Thursday, January 1, 2009

January 2, 2009

Hay, kaloka. After namin, kumain magkwentuhan inuman shabuhan chongkian. Ay naku, uwian na ofcourse. Syempre lahat sila may sasakyan at ako lng wala (kase di ako marunong magdrive!)Ang end up, bumaba ako sa concepcion at ayun naghintay ako ng jeep habang umuulan.

Anyway, pagkadating ko ng bahay nagdownload muna ako syempre ng mga MP3. Hilig ko yun e. Hilig ko yung mga remixes. Minsan mas marami akong remixes kaysa sa original na kanta. Kaya most of the time di ko alam kung ano talaga ang tunog ng original na kanta. hehehe.

Nakatulog na yata ako ng 4AM. So end up ko nagising ng 12NN. Kaloka d ba.

At around 2PM, mineet ko si Doc syempre. Nag-ayos kame ng bahay nya. Hay jusko. Pwedeng gawing Supermarket ang kusina nya. Sandamakmak na pagkain at gamit ang nandoon. Hindi pa kasama yung nasa ref at yung regalo sa kanya nung Christmas. Sinort-out ko yung mga pagkain. At nalaman ko na meron p syang tomato sauce na nakatago na naexpired na noong 2000??? O d ba. san ka pa. hehehe. marami kameng tinapon na mga bagay bagay at pagkain. Panis na e.

Pinagluto nya ako ng pasta bolognese at may nagorder ng Brothers Burger. Yun ang dinner. Meron pa syang ice cream at cake na ipapalafang sa akin. pero di n kaya ng tyan ko. Wala naman kame ginawa kundi kumain lng.

Kalungkot lang kase kailangan ko pa pumasok. Last day ko na pala ito sa RCMT wala man lang handa para sa amin! Kaloka!

No comments: